|
ANG SAKRAMENTO NG EUKARISTIA |
Sunday, March 22, 2009 |
ANG SAKRAMENTO NG EUKARISTIA (Juan 6 / CCC 1322-1419) ?THE SACRAMENT OF THE EUCHARIST?
Kapag tayo ay naging miyembro ng pamilya ni Cristo, hindi niya tayo pababayaang magutom, sa halip ay pakakainin niya tayo ng kanyang sariling katawan at dugo sa pamamagitan ng Eukaristia. Sa Lumang Tipan, sa kanilang paghahanda sa paglalakbay nila sa ilang, inutusan ng Diyos ang kanyang mga tao na magsakripisyo ng kordero at ipahid ang dugo sa hamba ng pinto ng kanilang bahay upang lagpasan ng kamatayan ?angel of death? ang kanilang bahay. Pagkatapos ay kanin nila ang kordero tanda ng kanilang pakikipagtipan sa Diyos. (Exodo 12:1-13)
Ang kordero na ito ang nagsisimbulo kay Jesus. Siya ang tunay na ?Kordero ng Diyos?, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. (Juan 1:29). Sa pamamagitan ni Jesus tayo ay pumasok sa panibagong pakikipagtipan sa Diyos. ?At dumampot siya ng tinapay at, matapos magpasalamat sa Diyos, kanyang pinagpira-piraso at ibinigay sa kanila. Sinabi niya ?Ito ang aking katawan (na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin. Gayon din naman,dinampot niya ang saro pagkatapos maghapunan, at sinabi, ?Ang sarong ito ang bagong tipan ng aking dugo na mabubuhos dahil sa inyo.? (Lucas 22:19-20)
Noon, ang Lumang Tipan ng Diyos sa mga tao, kainin ang Isinakripisyong kordero ?Passover lamb.? Ngayon, kailangan nating kainin ang Kordero iyan ay ang Eukaristia. Ang wika ni Jesus ?Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay.? (Juan 6:53).
Sa ganitong paraan itinatag ni Jesus ang Sakramento ng Eukaristia, ang sakripisyong pagkain na ginagawa ng Katoliko sa bawat Misa. Itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang sakripisyo ni Cristo sa Krus ay minsan para sa lahat ?once for all? hindi ito maaaring ulitin. (Hebreo 9:28). Si Cristo ay hindi muling namamatay ?die again? kapag nagmimisa. Ang sakripisyong ginaganap sa altar ay tulad ng sakripisyong nangyari noong nasa Kalbaryo. Kaya nga ang Misa ay hindi iba pang sakripisyo ?another sacrifice?, kundi pakikibahagi natin sa minsan at para sa lahat na sakripisyo ?once-for-all-sacrifice? ni Cristo sa Krus.
Ipinaaala-ala sa atin ni Pablo na ang tinapay at ang alak ay nagiging tunay na katawan at dugo ni Jesus sa pamamagitan ng himala : ?Sapagkat ang sinumang kumain at uminom nang hindi pinahahalagahan ang katawan ng Panginoon, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kanyang sarili.? (1 Corinto 11: 27-29).
Matapos mapabanal ?consecration? ang tinapay at alak. Wala ng tinapay at alak na natitira sa altar. Tanging si Jesus mismo sa anyo ng tinapay at alak ang natira.
KASAGUTAN NG KATOLIKO SA MGA KATANUNGAN NG MGA PUNDAMENTALISTA TUNGKOL SA EUKARISTIA.
Ang atake ng mga Protestante sa Simbahang Katoliko ay kalimitang nakatuon sa Eukaristia. Ito ay isang pagpapakita na alam ng mga umaatakeng ito sa Simbahan na ang Eukaristia ay isa sa pinakamahalagang debosyong doktrina ng Simbahang Katoliko. Ngunit higit dito, ang pagatakeng ito ng mga Pundamentalista sa Eukaristia ay pagpapakita rin nila na sila ay hindi palaging literalista. Ito ay makikita sa kanilang pakahulugan sa pinakasusing talata sa Biblia ?key biblical passage? sa Juan 6 na kung saan si Cristo ay nagsasalita tungkol sa Sakramento na kanyang itatatag sa Huling Hapunan.
Sa (Juan 6:30) nagsimula ang pormal na paguusap tungkol dito, at ito?y naganap sa sinagoga ng Capernaum ng tanungin ng mga Judio si Cristo kung anong kababalaghan ang maipapakita niya sa kanila upang sila?y maniwala sa kanya. Bilang isang paghamon sa kanya, kanilang sinabi ?ang aming mga magulang ay kumain ng manna sa ilang.? Kaya ba niya na mahigitan ito? Ang sagot ni Cristo, ang tunay na pagkain na galing sa langit ay yaong pagkain na galing sa Ama. Ang sagot ng mga Hudio ?bigyan po ninyo kaming lagi ng pagkaing iyon.? Ang sagot ni Cristo, (Juan 6: 35) ?Ako ang pagkaing nagbibigay- buhay; ang sinumang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nanalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.? Ang pagkakaunawa ng mga Hudio sa sinabing ito ni Cristo, ito ay isang paghahalintulad lamang ?speaking metaphorically? hindi literal.
BAKIT PAULIT-ULIT NA SINASABI ITO NI CRISTO?
Unuulit muna ni Cristo ang kanyang sinabi at saka nilalagom ?summarized.? (Juan 6: 51-52) ?Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.? ?Nagtalu-talo ang mga Judio, ?Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin? Namangha ang mga Judio sapagkat sa puntong ito ay literal?at tama ang ang kanilang pagkakaunawa kay Cristo. Muli itong inulit ni Cristo at lalong binigyan ng diin ang tungkol sa paginom sa kanyang dugo: (Juan 6: 53-56) ?Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo, tunay na inumin. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya."
BAKIT WALANG PAGWAWASTO SIYANG GINAWA SA KANYANG MGA SINABI?
Mapapansin natin na hindi tinangka ni Cristo na gawing magaan o simple ang kanyang sinabi. Hindi rin niya tinangka na iwasto ang kanyang mga sinabing pananalita upang ito ay kanilang maunawaan --- dahil wala namang dapat iwasto. Ang ibig sabihin ay tama ang pagkakaunawa ng kanyang mga tagapakinig ?understood him perfectly well.? Hindi na nila iniisip na ito ay isang paghahalintulad lamang ?speaking metaphorically.? Kung mali ang pagkakaunawa nila kay Cristo ay bakit walang ginawang pagwawasto si Cristo?
May isang situwasyon na hindi gaanong naunawaan ng mga alagad ni Cristo ang kanyang sinabi, agad itong ipinaliwanag ni Cristo sa kanyang mga alagad (tunghayan ang Mateo 16: 5-12). Dito sa sinabi ni Cristo sa Juan 6, kapag hindi ito naunawaan, ay matindi ang magiging epekto nito ?fatal.? Ngunit bakit walang aksiyon na ginawa si Cristo upang ito ay iwasto. Sa halip ay inuulit-ulit pa niya ito at higit pang binibigyan ng diin.
Sa (Juan 6: 60) ay mababasa natin ang ganito: ?Narinig ito ng kanyang mga alagad at marami sa kanila ang nagsabi, ?Mabigat na pananalita ito; sino ang makatatanggap nito??
Kita na ninyo, ang mga nagsalitang ito ay mga disipulo mismo ni Cristo na sanay na sa mga ?di karaniwang pamamaraan ni Cristo, kaya binabalaan niya ang mga ito na huwag nilang isiping pisikal ?carnal? ang kanyang mga sinabi kundi ispiritwal ?spiritual? (Juan 6: 63; cf. 1 Corinto 2: 12-14) ?Ang espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay.
Subalit alam ni Cristo na may ilang hindi naniniwala sa kanyang mga sinabi. (Dito sa puntong ito, sa pagtanggi ni Judas sa Eukaristia siya bumagsak at napahamak, tingnan sa Juan 6: 64) ?Mula noo?y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya.? Juan 6: 66.
Ito lamang ang tanging tala ?record? sa Biblia sa lahat ng mga iniaral ni Cristo na kung saan siya ay tinalikuran ng ilan sa kanyang mga tagasunod na ang dahilan ay doktrina ?purely doctrinal reasons?. Kung ang sinabi ni Cristo ay isang simbolikong pananalita lamang ?metaphor?, subalit ipinalagay itong literal ng ilan niyang mga tagasunod, bakit hindi niya tinawag ang mga ito pabalik at itinuwid ang kanyang mga sinabi. Maging ang mga Judio na may pagdududa sa kanya at ang mga Judio na kanyang mga disipulo ay mananatili sana sa kanya kung kanyang niliwanag na ang kanyang mga sinabi ay isang simbolikong pananalita lamang ?symbolically speaking only".
Subalit hindi niya tinawag at pinaliwanagan ang mga nagpoprotestang ito. Labindalawang ulit niyang sinabi na siya ang pagkaing bumaba buhat sa langit. Apat na ulit niyang sinabi, ?kumain ng kanyang laman at uminom ng kanyang dugo?. Ang Juan 6 ay ang pagpapalawak ng kanyang mga pangako na kanyang itinatag sa Huling Hapunan ?Last Supper?---at ang pangakong ito ay napakaliwanag. Iyan ang pinanaligan ng mga Katoliko. Para sa mga Pundamentalista, ano naman ang kanilang sinasabi tungkol sa Eukaristia?
ISANG SIMBULO LAMANG ITO?
Ayon sa mga Pundamentalista, ang sinasabi ni Jesus sa Juan 6 ay hindi pisikal na pagkain at inumin, kundi ispiritwal na pagkain at inumin. Ito ay ibinatay nila sa (Juan 6: 35) ?Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay,? sabi ni Jesus. ?Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.? Ang wika ng mga Pundamentalista, ang paglapit kay Jesus ay iyon ang pagkain at ang pananalig kay Jesus ay iyon naman ang inumin. Samakatuwid, wika nila, ang pagkain ng kanyang laman at paginom ng kanyang dugo ay ang pananalig kay Cristo ang ibig sabihin.
Subalit may problema sa pagpapakahulugan ?interpretation? nilang ito. Ang paliwanag ni Fr. John A. O?Brien. Ang parirala ?phrase? na ?kumain ng laman at uminom ng dugo? kung gagamitin mong simbolikong pananalita ?figurative?, para sa mga Judio at sa mga Arabe sa panahon sa ngayon, ang ibig sabihin ng ?kumain ng laman at uminom ng dugo? ay ?pahirapan at alimurain ang isang tao, pagdusahin ng matindi at patawan ng pagkakasala kahit na ito ay hindi totoo.? Kung gagamitin nating simboliko ang pariralang ?kumain ng laman at uminom ng dugo?, ang magiging kahulugan nito ay akusahan natin si Jesus na isang kriminal, pagdusahin at pagwikaan siya ng masasama. Iyan ay panghabang-buhay nating gagawin. Kung iyan ang kahulugan ng pariralang ?kumain ng laman at uminom ng dugo? (O?Brien, The Faith of Millions, 215) ay walang kabuluhan ang buong talata na iyan. Bilang isang halimbawa ng simbolikong pananalita ay tunghayan ang (Mikas 3:3).
Maging ang mga manunulat na Pundamentalista ay ganito ang kanilang komento sa Juan 6. ?Makikita anya natin na ang sinasabi ni Jesus sa Juan 6 ay isang paghahalintulad lamang ?metaphor? at hindi literal sa pamamagitan ng pagkokompara sa Juan 10:9 ?Ako ang pintuan? at sa Juan 15:1 ?Ako ang tunay na puno ng ubas?. Ang problema ay wala itong kaugnayan sa Juan 6:35 ng sabihin ni Jesus,?Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay?. Ang sinabi ni Jesus na ?Ako ang pintuan? at ?Ako ang tunay na puno ng ubas? ay may kabuluhan ?make sense.? May katuwiran tayong sabihing si Jesus ay kahalintulad ng isang pintuan, sapagkat papasok tayo sa kalangitan sa pamamagitan niya. Kahalintulad din siya ng puno ng ubas, sapagkat sa kanya tayo kumukuha ng katas na pang-ispiritwal ?spiritual sap?. Subalit ang sinabi ni Cristo sa Juan 6:35 ay higit pa sa isang simbulo ng sabihin niya sa (Juan 6: 55) ?Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo, tunay na inumin.?
At sa pagpapatuloy ng kanyang sinabi: (Juan 6: 57) ?Buháy ang Amang nagsugo sa akin, at ako?y nabubuhay ng dahil sa kanya. Gayon din naman, ang sinumang kumain sa akin, ay mabubuhay dahil sa akin.? Sa wikang Griego, ang ginamit na salitang kumain ?eats? ay (trogon) sa wikang Tagalog ay pagnguya. Hindi ito lengwahe ng paghahalintulad ?This is not the language of metaphor?
ANG KANILANG PANGUNAHING ARGUMENTO
Pinasisinungalingan ng mga Pundamentalista ang Presensiya ni Cristo sa Eukaristia ?Real Presence? sa pamamagitan ng kanilang pagkakanlong o pagbatay sa sinasabi sa (Juan 6: 63) ? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay.? Samakatuwid anya, ang pagkain ng tunay na pagkain ay hindi kailangan. --- Subalit ang sinabi ba nilang ito ay totoo at may katuturan?
Ang ibig bang sabihin ng mga Pundamentalista ay mariing sinasabi ni Cristo ?Kanin ninyo ang aking laman, ngunit matutuklasan ninyong nagaaksaya lamang kayo ng oras sapagkat wala namang magagawa ang laman.? (?Eat my flesh, but you?ll find it?s a waste of time??is that what Christ was saying? Hardly). Iyan ba ang ibig nilang sabihin sa pariralang ?hindi ito magagawa ng laman??
Sa katotohanan ay napakalaki ng nagawa ng laman o katawan ni Cristo. Kung walang magagawa ang laman ?flesh?, ang pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos ay walang katuturan, walang katuturan ang pagkamatay at ang muling pagakabuhay ni Cristo. Kung ganito ang inyong paniniwala ?Kayo?y hindi pa nahahango sa inyong mga kasalanan at walang katuturan ang inyong pananampalataya?(1 Corinto 15: 17).
Sa (Juan 6: 63) sa pariralang ?hindi ito magagawa ng laman?, ang tinutukoy dito ay ang paniniwala ng tao sa kanyang sariling kakayahan lamang. Ang kanyang mga pagkilos ay batay lamang sa sarili niyang kagustuhan at hindi nababatay sa sinasabi ng Diyos sa kanya. Katulad ng pagsabihan ni Cristo ang mga Pariseo ng ganito: (Juan 8: 15-16) ?Humahatol kayo ayon sa paghatol ng tao; ngunit hindi ako humahatol kaninuman. Humatol man ako, tama ang aking hatol, sapagkat hindi lamang ako ang humahatol, kundi ako at ang Amang nagsugo sa akin.?
Natural talaga sa tao na kapag humatol na hindi kaisa ang Diyos ay hindi mapagkakatiwalaan,--- subalit ang hatol ng Diyos ay palaging totoo.
Ang ibig bang sabihin, dapat ang pagkakaunawa ng mga disipulo ni Cristo, sa kanyang mga sinabi na ?Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay? ay isang simbolikong pananalita lamang? Walang nagbibigay ng ganitong pagpapakahulugan, maliban kung ikaw ay isang Pundamentalista upang mapabulaanan mo ang interpretasyon ng Katoliko sa Juan 6.
Sa (Juan 6: 63), ang salitang laman ?flesh? ay hindi ang sariling katawan o laman ni Cristo?maliwanag ang sinasabi sa Biblia. Subalit dahilan sa humahatol ang tao ayon sa kanyang sariling kaisipan at kakayahan lamang ?human level?, ang kanyang pagunawa ay nagiging taliwas sa tunay na kahulugan ng sinabi ni Cristo.
Ang pariralang ?Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu? ay hindi nangangahulugang ?Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay simboliko?. Kailanman ay hindi ginamit ang salitang Espiritu sa Biblia sa ganitong paraan. Ang ibig sabihin ng linyang sinabi ni Cristo ay mauunawaan lamang natin sa pamamagitan ng pananalig at sa kapangyarihan ng Espiritu at sa pagtawag ng Ama. (cf. Juan 6: 37, 44-45, 65).
Ito ay pinatotohanan ni Pablo sa (1 Corinto 10: 16) ?Hindi ba?t ang pag-inom natin sa saro ng pagpapala na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Cristo?" At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinagpipira-pirasó ay pakikinabang naman sa kanyang katawan. Napakalinaw ng sinasabi ng Biblia. Kapag tinanggap natin ang ?Eukaristia? kapag tayo ay nangumunyon ?communion? ay tunay na nakikibahagi tayo sa katawan at dugo ni Cristo. Ang Eukaristia ay hindi isang ordinaryong tinapay at hindi isang simbulo. Kita na ninyo, maging ang alagad ni Jesus na si Pablo ay kaisa ng Simbahang Katoliko sa tunay na kahulugan sa sinasabi ni Jesus tungkol sa pagkain ng kanyang katawan at dugo (Juan 6). Paano pabubulaanan ito ng mga Pundamentalista.
Kaya nga ang babala ni Pablo sa (1 Corinto 11: 27-29) ?Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa saro ng Panginoon nang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Kaya dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago kumain ng tinapay at uminom sa saro. Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi pinapahalagahan ang katawan ng Panginoon, kumakain at umiinom ng hatol sa kanyang sarili.?
Bakit ba isang napakaseryosong bagay na kailangan pang ika?y maging karapatdapat bago ka kumain ng tinapay at alak kung ito ay isang karaniwang tinapay at alak lamang! Ang sinabing ito ni Pablo ay magiging makabuluhan lamang kung ang tinapay at alak ay totoong nagiging katawan at dugo ni Cristo. (Paul?s comment makes sense only if the bread and wine became the real body and blood of Christ). Ang dalawang talalata na ito (1 Corinto 10: 16 at 1 Corinto 11: 27-29) ay napakatibay na patotoo sa sinasabi ni Cristo sa Juan 6 na dagling tumatapos sa argumentong ito. --- Tama ang pagkaunawa at ang Turo ng Simbahang Katoliko ?Catholic Teaching? sa Eukaristia.
Sino ba ang ating paniniwalaan. Ang Simbahang Katoliko, na tunay na Iglesya na itinatag ni Cristo na kaisa ang alagad ni Jesus na si Pablo sa pagpapatotoo sa Presensiya ni Cristo sa Eukaristia o ang mga Protestante na lumitaw lamang ng panahon ng repormasyon noong taong A.D.1500 at ng mga Pundamentalista na sumulpot lamang nitong mga 1980?s.
ANO BA ANG SINASABI NG MGA NAUNANG KRISTIYANO?
Ang wika ng mga anti-Katoliko, maging ang mga naunang Kristiyano anya ay ipinalagay nilang ang sinasabi sa Juan 6 ay isang simboliko lamang. Totoo ba ito ?is that so?? Tingnan natin kung ano ang itinuturo ng mga naunang Kristiyano. Marami tayong matutunan kung paano natin bibigyan ng tamang pakahulugan ang Biblia kung ating susuriin ang mga isinulat ng mga naunang Kristiyano.
Si Ignatius ng Antioquia na disipulo ni Apostol Juan ay ganito ang kanyang sinabi sa kanyang sulat sa mga taga Esmirna noong taong A.D. 110. ?doon sa mga taong ang pinanghahawakan ay ang kanilang maling opinyon na kaya sila hindi nakikibahagi sa pananalangin at sa pagtanggap ng Eukaristia ay sapagkat hindi nila tinatanggap na ang Eukaristia ay katawan ng ating tagapagligtas na si Jesu-Cristo, katawan na nagpakasakit at nagbuwis ng buhay dahilan sa ating mga kasalanan at sa kabutihan at kapangyarihan ng Ama ay muli siyang binuhay.? (6:2, 7:1)
Pagkalipas ng apatnapung taon ay ganito naman ang isinulat ni Justin Martin ?Hindi sa pamamagitan ng pangkaraniwang tinapay at inumin natin tinatanggap ito; at sapagkat si Jesu-Cristo na ating Tagapagligtas ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang salita at ang katawan at dugo ni Jesu-Cristo ay inialay niya para sa ating kaligtasan na siya ring itinuro sa atin, ang pagkaing inihanda sa Eukaristia sa pamamagitan ng panalanging pang-Eukaristia na si Jesu-Cristo mismo ang nagtatag, ang tinapay at alak ay nagiging katawan at dugo ni Jesu-Cristo, sa pamamagitan nito ay napakakain ang ating katawan at dugo......ng katawan at dugo ng nagkatawang tao na si Jesu-Cristo.? (First Apology 66:1-20)
Sa homilya ni Origen na sinulat niya noong taong A.D. 224 ay nagpapatunay sa Presensiya ni Jesus sa Eukaristia ?Real Presence?. ?Nais kong kayo ay mabigyan ng payo na may kalakip na halimbawa buhat sa inyong relihiyon. Nakagawian na ninyo ang makibahagi sa mga banal na misteryo, kaya alam na ninyo na kapag tinanggap ninyo ang Katawan ng Panginoon ay buong galang at buong ingat ang inyong gagawin upang walang matatapon o bahaging mawawala sa banal na regalong ito. Kayo ay may pananagutan kapag alinman sa bahagi nito ay mawala dahilan sa kawalang ingat.? (Homilies on Exodus 13:3).
Si Cyril ng Jerusalem, sa pagtuturo ng Katekismo noong kalagitnaan ng taong 300 ay ganito ang kanyang sinabi. ?Huwag ninyong ipalagay na ito ay isang simpleng tinapay at alak, sapagkat ang ipinahayag sa atin ni Cristo mismo ay ito ang kanyang katawan at dugo. Kung iba ang sinasabi ng inyong panlasa ay maging matatag ang inyong pananampalataya. Huwag ninyong hatulan ang bagay na ito sa pamamagitan ng inyong panlasa kundi sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, huwag magalinlangan subalit suriin ang sarili kung karapatdapat na tumanggap ng katawan at dugo ni Cristo? (Catechetical Discourses: Mystagogic 4:22:9).
Sa Homilia ni Theodore ng Mopsuestia ay wari bang ang kanyang kausap ay ang grupo ng mga Evangelikal at Pundamentalista sa kasalukuyang panahon natin sa ngayon. Ganito sinabi ni Theodore sa kanyang homilya. ?Nang ibinigay ni Cristo ang tinapay, hindi niya sinabi ?Ito ang simbulo ng aking katawan, kundi ?Ito ang aking katawan.? Ganon din kaliwanag ang kanyang sinabi ng ibigay niya ang saro. Hindi sinabi ni Cristo, Ito ang simbulo ng aking dugo, kundi ?Ito ang aking dugo?, sapagkat ang nais ni Cristo ay manalig tayo na ang tinanggap natin ay gracia at ang Banal na Espirito.
NAGKAKAISANG PATOTOO
Kahit ano pa ang kanilang sabihin, matibay na pinanaligan ng Simbahang Katoliko na literal ang sinasabi sa Juan 6. Katunayan ay walang tala ?record? simula noong unang siglo na may pagaalinlangan ang mga Kristiyano sa interpretasyon ng Katoliko sa Juan 6 at ito ay hindi nagbabago ?constant Catholic interpretation.? Walang kang makikitang dokumento na nagsasabing ang literal na interpretasyon ay salungat sapagkat ito ay tinatanggap na isang simbolikong pananalita lamang ?metaphorical accepted?. Samakatuwid ay haka-haka at imbento lamang ng mga Pundamentalista ang kanilang sinasabi na ?maging ang mga naunang Kristiyano ay naniniwalang isang simbolikong pananalita lamang ang sinasabi sa Juan 6.?
Bakit ang mga Pundamentalista at Ebangelikal ay hindi matanggap ito, gayong napakalinaw at madali namang maunawaan ang Juan 6. Para sa kanila, ang mga Sakramento ng Katoliko ay wala sa lugar sapagkat ang akala nila, ang ispiritwal na bagay ay hinahalinhan ng Katoliko ng materyal na bagay, kaya anya ito ay paglabag sa banal na plano ng Diyos. Karamihan sa mga Protestante, para sa kanila ang materyal ?matter? na bagay ay hindi dapat gamitin kundi dapat itong gapiin at iwasan.
Maaari nating sabihin at itanong sa mga Pundamentalista.--- Hiningi ba ng Dakilang Lumikha ?Creator? ang kanilang opinyon kung paano niya ihahatid ang kaligtasan ?salvation? sa sankatauhan? Dapat ay pinayuhan siya ng mga Pundamentalista na magisip ng ibang paraan. Huwag niyang pabayaan na marumihan ng materyal na bagay ang Espiritu. Subalit pinahintulutan ng Diyos ang mga materyal na bagay sapagkat siya ang lumikha nito. Hindi lamang kapahintulutan ang ibinigay ng Diyos na gamitin ang materyal na bagay ?matter? para sa kanyang ikaluluwalhati. Binigyan pa niya ito ng dangal ng magkaroon ng pisikal na anyo ang nagkatawang tao na si Cristo.--- Ngayon nakakasama natin siya. Siya ay sumasaatin at tayo naman ay sumasakanya sa tuwing kinakain natin ang kanyang katawan at dugo sa pamamagitan ng Banal na Eukaristia.Labels: catholic Fidei main topic, THE CELEBRATION OF THE CHRISTIAN MYSTERY |
posted by Bro. Terence @ 8:15 PM |
|
|
|
About Me |
Name: Bro. Terence
Home: Sta. Maria, Bulacan, Philippines
About Me: pogi?
See my complete profile
|
Previous Post |
|
Archives |
|
Catholic Blog By the
Priest and Deacon |
Ad Maiorem Dei Gloriam - Fr.
Patrick Fairbanks, SJ
Adam's Ale - Fr. Valencheck,
Ohio
Amigos de Banica - Fr. O'Hare
Anamchara - Msgr. Eric R. Barr,
Illinois
AtonementOnline - Fr. Christopher
G. Phillips, Texas
Bangor to Bobbio - Fr. Seán
Coyle, Philippines
Bear Witness to the Light - Fr.
John L., Massachusetts
A Beggar for Love - Fr. Daren J.
Zehnle, Illinois
Being is Good - Deacon Dana,
Florida
Bekeh's Blog - Fr. Bekeh
Utietiang
Bekeh's Homilies - Fr. Bekeh
Utietiang
Bishop William Lori's Blog -
Bishop William Lori, Connecticut
The Black Biretta - Padre
Giovanni, Pennsylvania
Blessed is the Kingdom - Fr.
Christian Mathis, Tennessee
Blog do Padre Luizinho - Fr.
Luizinho, Brazil
Blog do Padre Roger Luis - Fr.
Roger Luis, Brazil
Blog of Fr. Peter Leung - Fr.
Peter Leung
Bonfire of the Vanities - Fr.
Martin Fox, Ohio
Breaking the Word - Fr. Chris
The Bridge - Fr. Frank Majka, SJ,
Wisconsin
Byzantine Ramblings - The
Byzantine Rambler
Called by Name - Fr. Kyle
Schnippel, Ohio
Cardinal Seán's Blog - Seán
Cardinal O'Malley, Massachusetts
Caritas Christi Urget Nos - Fr.
Pat Mulcahy, Illinois
A Cascade Catholic - Deacon Al
Ardon, Washington
Catholic Spiritual Direction -
Fr. John Bartunek, LC, New York
Catholic Under the Hood - Fr.
Seraphim Beshoner
Catholic Vision - Fr. Andrew,
South Dakota
Catholicism, Scholarship &
Fun - Fr. James Lloyd, CSP, New York
Catholikos Diakonos - Deacon
Scott Dodge, Utah
CFR Sudan Mission - Fr. Herald
Joseph Brock, CFR, Sudan
Claretian Teaching Ministry - Fr.
John Hampsch, CMF, California
Clerical Whispers - Sotto Voce,
Ireland
Communio ~ Fr. Richard Healey -
Fr. Richard Healey, Australia
A Concord Pastor Comments -
ConcordPastor, Massachusetts
Confessionário dum Padre -
Confessional, Portugal
CSVF Blog - Fr. Aquinas, OP, New
York
CUSA Blog - Fr. Lawrence
Jagdfeld, OFM
Da Mihi Animas - Padre Steve, New
Jersey
De Fide Catholica - Fr. Laurent
Demets, Arkansas
Deacon Dan Wright - Dan Wright,
Texas
Deacon Tom Stonecipher - Tom
Stonecipher, Georgia
Deacon Tony's Place - Deacon
Tony, New York
The Deacon's Bench - Deacon Greg
Kandra, New York
Deacon's Diary - Group
Deo Adiuvante - Fr. Leo McDowell,
Montana
Diakonia - Deacon Patrick Kearns,
California
Diario de Fray Nelson M. - Fr.
Nelson Medina, Columbia
Diary of a Pilgrimage - Deacon
Shawn Tunink, Illinois
Diary of a Rookie Priest - Fr.
Mark Mossa, SJ
Discalced Carmelite Friars - Fr.
Adam
Do Whatever He Tells You - Fr.
Mitchell Zimmerman, Kansas
Dom Donald's Blog - Dom Donald,
Scotland
Domine, da mihi hanc aquam! - Fr.
Philip Powell, O.P. , Texas
Dominican History - Fr. John
Frederick Hinnebusch, OP & Fr. Stephen Ryan, OP
Dominican Liturgy - Fr. Augustine
Thompson, OP, Virginia
DominicanSingapore - Fr.
David
Douloscross Web Journal - Deacon
Harry Martin, California
Eloi's Voice - Fr. Rich
Brensinger, Pennsylvania
Evening Devotions - Fr. Scott
Bailey, C.SS.R., Massachusetts
Eyes of Faith - Fr. Larry
Gearhart, Ohio
Father Anthony Ho - Fr. Anthony
Ho, Canada
Father Bill Dinga's Blog - Father
Bill Dinga
Father Dennis - Fr. Dennis,
Iowa
Father Dylan's Sermons - Fr.
Dylan James, England
Father Jim Chern's Blog - Fr. Jim
Chern, New Jersey
Father Joe - Fr. Joe,
Maryland
Father Ray's 'Other' Corner - Fr.
Ray Suriani
Father Sullivan - Fr. Thomas
Sullivan, Florida
A Few Simple Words - Fr. Bob,
Washington, DC
Fiat Volvntas Tua - Fr. Joe,
Philippines
Fire, Salt, and Light - Arthur
Joseph, Canada
Followers of the Way - Deacon
Jacob Maurer
Forest Murmurs - Fr. Michael
Brown, UK
Fortuna's Fortune - Fr. Stan
Fortuna
Fr. Bob's Corner - Fr. Bob
MacDonald, Canada
Fr. Bosco Galli - Fr. Bosco
Galli, UK
Fr. Brendan - Fr. Brendan Manson,
California
Fr. Carmen Mele, Dominican
Preacher - Fr. Carmen Mele, Texas
Fr. H. Paul - Fr. H. Paul Kim,
Ohio
Fr. JC Maximilian's Homilies & Spiritual
Reflections - Fr. JC Maximilian, New Jersey
Fr. Mildew - Fr. Michael Clifton,
UK
Fr. Victor Brown's Catholic Daily
Message - Fr. Victor Brown
Fr. West's Catholic Blog - Fr.
Peter West, New York
Fred's Place - Fr. Ed Burns, Ohio
FRIARside Chats - Fr. Chuck
Talley, OFM, California
Friends with Christ - Fr. Richard
Aladics & Fr. Julian Green, UK
Gloria Olivae - Fr. Odon de
Castro, Philippines
God's Word to Us - Fr. Dominic
Canh Tran, SDB
Gone Walkabout - Fr. Jim
McDermott, SJ, Australia
The Great Commandment - Fr. David
Hudgens, Michigan
The Hermeneutic of
Continuity - Fr. Tim Finigan, England
Hills of the North, Rejoice
- Deacon Peter Simpson, Scotland (formerly The Deacon of
Ham) Holy Priesthood - Fr. Joel
& Fr. Benjamin
Homilies and Reflections from
Australia - Fr. John Speekman,
Australia
Homilies of a Jesuit - The
Jesuit
How Can I Keep from
Singing? - Fr. Ernie Davis,
Missouri
Husband, Father, Deacon,
Man - Deacon Patrick, Colorado
I Am Not Ashamed of the
Gospel - Deacon Steve, Michigan
I Love You! - Deacon
Randy
In and Out of Season -
Archbishop Angel Lagdameo, Philippines
Jamesaubrey - JamesAubrey,
Oklahoma
Jesus Goes to Disney World
- Fr. Austin Murphy, Maryland Journal of God's Call - Fr.
Christopher Rossman, Kansas
Kingmancatholic - Fr. James
Weldon, Kansas
Laus Crucis - Fr. Paul
Francis Spencer, CP, Scotland
Life's Crosses- Fr.
Aloysius Ong, Singapore
Living Sacrifice - Fr.
Christopher M. Mahar, Rhode Island
Lux Vera - Fr. David
Thoroughgood, Australia
Mary, Our Mother - Totus
Tuus and RomanCatholic Deacon
Mary's Anawim - Fr. Rick
Heilman, Wisconsin
Me Monk. Me Meander - Fr.
Stephanos, OSB
Mercy and Mary - Fr. John
Larson, Washington D.C.
A Minor Friar - Friar
Minor
Misericórdia e Verdade -
Padre Reinaldo, Brazil
The Monastic Preacher -
Prior Peter, OSB
Monks and Mermaids - Fr.
David Bird, OSB, Peru
Monk's News - Fr. Kenneth,
OSB, Missouri
My World - Fr. Phil, New
Hampshire
Oasis of Peace: Mission to
Iraq - MCITL: Meeting Christ in the
Liturgy, Iraq
Omne Quod Spirat, Laudet
Dominum! - Fr. Cory Sticha, Montana
One Monk of the Order of St.
Benedict - Fr. Stephanos, OSB
Orthometer - Fr. Erik
Richtsteig, Utah
Overheard in the Sacristy -
Fr. L.W. Gonzales, Arizona
Owl of the Remove - The Owl
of the Remove, Vermont
Padre Antonio Aguiar - Fr.
Antonio Aguiar, Brazil
Padre Cleidimar - Fr.
Cleidimar Moreira, Brazil
Pan de la Semana - Fr.
Vitaliano Chito Dimaranan, SDB, Philippines
Parish the Thought - Fr.
Bud Pelletier, Arizona
Per Agrum Ad Sacrum - Fr.
Vitaliano Chito Dimaranan, SDB, Philippines
Peregrinus - Pilgrim On,
California
Prayer on the Hill - Fr.
Milton E. Jordan, Washington, DC
Priest - Fr. Jessie
Somosierra, Jr., Philippines
A Priestly Commentary - Fr.
V, Massachusetts
Printed as Preached - Fr.
Cávana Wallace, California
Prior's Blog - Prior Peter,
OSB, Illinois
Prophetic Fraternal
Franciscan - Fr. Kim Studwell, OFM,
Wisconsin
Quod Scripsit - Eques
Rationabile Obsequium -
FrB
Rev Fr. Bosco's Space - Fr.
Bosco, UK
RevRobJack.com - Fr. Rob
Jack, Ohio
Rifugio San Gaspare - Fr.
Jeffrey Keyes C.PP.S., California
Roman Miscellany - Fr.
Nicholas Schofield, England
The Sacred Congregation of
Rites - Scranton Priest
Scriptural Reflections -
Fr. Bert, SM
Seek His Face - Fr. Ronald
Check, Pennsylvania
Servant and Steward - Fr.
Daren Zehnle, Illinois
A Shepherd's Voice - Fr.
John Molloy, California
Shouts in the Piazza - Guy
Sylvester, New Jersey
The Speakin' Deacon -
Deacon John, Kentucky
Spes Unica - Fr. Stephen,
CSC
Spiritual Friendship - Fr.
Antonio, Lebanon
The Splendor of the Church
- Fr. Abe, CRS, Philippines
St. Andrew Q&A - Fr.
Greg
St. Marie's Gem - Fr.
Francis Wadsworth
St. Mary Magdalen, Brighton,
UK - Fr. Ray Blake, UK
St. Michael's Cyber Parish
- Fr. James Proffitt, Maryland
St. Vincent Archabbey
Vocations - Fr. Fred Byrne, OSB,
Pennsylvania
Standing on my Head - Fr.
Dwight Longenecker, South Carolina
The Sunday Homily - Fr.
James Farfaglia, Texas
There is an Appointed Time for
Everything... - Fr. James Willard
Northrop, Washington
Thoughts from the Lune
Valley - Fr. Paul Harrison, UK
Thrown Back - Fr. Rob
Johansen, Michigan
Thy Nose to the Marble -
Fr. Christopher Decker
To Find Fruit - Paul D.
Panaretos, SJ, Ohio
The Truth Will Make You Free
- Fr. Robert Connor, New York
Two Edge Talk - Deacon Tim
& Cyndi
The Ultramontanist - Padre
Paulus, Washington, DC
viewpoints - Archbishop
Oscar Cruz, Philippines
Virtual Retreat - Fr. Rory
Pitstick, SSL, Washington
Vita Mea - Fr. Dennis,
Indiana
Vocations Views - Fr. Todd
J. Petersen, Minnesota
Vultus Christi - Fr. Mark
Daniel Kirby, O.Cist.
weCatholic.org - Deacon
Patrick, Colorado
What Does the Prayer Really
Say? - Fr. John Zuhlsdorf
White Around the Collar -
Fr. Dana Christensen, South Dakota
Word Incarnate - Abbot
Joseph, California
Young Fogeys - Fr. Jay
Toborowsky, New Jersey
2000 Stories - Fr. Thomas
Dowd, Canada (formerly Waiting in Joyful
Hope)
21st Century Catholic -
Deacon Jacob Maurer,
Washington |
|
Catholic Blog By the Lay
and Religious |
Ad Saeculum - Br. Robert, OP
Air
Maria - Franciscan Friars of the Immaculate,
Connecticut
All Roads Lead to Rome! - Br.
Tom, New York
An Ambassador for Christ - Br.
Christopher Gaffrey, Italy
Amy Hereford, CSJ - Amy Hereford,
CSJ, Belgium
Anchorhold for Jesus: Ireland - A
Nun, Ireland
BayaThread - Baya Clare, CSJ,
Minnesota
Best Catholic Books - Sr. Julia,
Louisiana
Bloggin' Friar at franciscans.org
- Friar Matt
Blogging Brother Brian - Br.
Brian, Texas
Br. Michael-Godfrey's Prayer -
Br. Michael-Godfrey
Bukas Palad - Adrian Danker, SJ,
Philippines
Caritas Christi Urget Nos! - Sr.
Cora
Carmelitana - Paul Chandler,
Italy
Carmelite Sisters
Caught Up in God
Chronicles of the Daily Grind -
Brodiz, Philippines
Cistercian Vocation - Sr.
Eleanor, Ireland
The City and the World - Joe
Koczera, SJ, New York
Colophon: A Monastery Blog - Holy
Trinity Monastery, UK
Contemplative Horizon -
Contemplative Woman
Crux of the Matter - Amy L.
Cavender, CSC, Indiana
Colwich Novitiate - Noviceship,
England
Crying Out in the Wilderness -
Richard Beebe, SJ, Michigan
CSJ Novitiate - Group
Day by Day - Sr. Lynn,
Missouri
Deo Gratia - Nader's Blog - Nader
Ata, Texas
The Digital Nun - Sister Judy
Connor, CDP
Discover God in the Everyday. With
us. - Ferdinand Benedictines, Indiana
Dominican Cooperator Brother -
Br. Paul, OP, Missouri
Dominican Sisters of Blauvelt -
Dominican Sisters, New York
Franciscan Footprints - Sr.
Veronica
Franciscan Life - Sr. Ann Marie,
Pennsylvania
Franciscan Musings - Rashfriar,
Washington, DC
Franciscan Sisters of Christian
Charity - Group
A Friar Style? - Freddie
From Marbury's Hilltop - St. Jude
Monastery, Alabama
Happynun Thinks Aloud -
Happynun
Hell Burns - Sr. Helena Burns,
Chicago
Hope-Full Signs - Sr. Judith, New
Jersey
IHM
Calling - Sister Mary Bea, Michigan
In the Shadow of His Wings -
Passionist Nuns, Kentucky
The Itinerant's Path - Br.
Vincent J. Celeste, FMS, Philippines
A Jesuit's Journey - Ryan Duns,
SJ
The Journey - Sr. Paulina Quinn,
OP
Kicking and Screaming - Tom
Gibbons, CSP
La Paz de Susan - Susan Dewitt,
CSJP, Washington
The Last Brother? Not if I Can Help
It! - Br. James Hayes, England
Life at the Convent - Sr. Mary
Lou, Minnesota
Life at the Monastery of St.
Gertrude
The Life of a New Sister - Sr.
Nicole Trahan, Texas
Life on Lotus Lane - Dominican
Nuns, Texas
Light through Stained-Glass
Windows - Susan Doubet, OSB
Little Portion Hermitage - Friar
Rex, Maine
Live Jesus! - a Visitation Nun,
Washington D. C.
Living the Zeal of Benedict -
Marilyn Schauble, OSB, Pennsylvania
Meg Funk - Sr. Meg Funk,
Indiana
Monastery Podcast - Benedictine
Sisters of Perpetual Adoration
Monastic Moments - Sr. Patricia,
Washington
Monastic Musings - Edith, OSB,
Minnesota
Monastics on a Journey - Sister
Vicki Ix, OSB, Virginia
Moniales - Dominican Nuns, New
Jersey
Monks on a Mission - Monks of
Schuyler, Nebraska
Musings of a Discerning Woman -
Susan Rose Francois, CSJP, New Jersey
My Movies - Sr. Rose Pacatte,
FSP, California
Notes from Stillsong Hermitage -
Sister Laurel M. O'Neal, Erem Dio, California
Nunblog - Sr. Anne FSP,
Illinois
NunEssential - Sr. MJ
A
Nun's Life - Julie Vieira, IHM
Nunsuch - Sandy Yost, CSJ,
Michigan
On a PENsive Mood - Br. Donnie
Duchin Duya, SDB, Philippines
One Mind and Heart Intent Upon
God - West Coast Augustianians
"Open Wide the Doors to Christ!"
- Sr. Marianne Lorraine Trouve FSP, Massachusetts
OPreach - Sr. Pat Farrell, OP,
California
Other than Being - Br. Thomas
Gricoski, OSB, Indiana
The Passionist Charism -
Passionistcharism, Australia
Pause for Prayer - Sr. Janet
PR Woman for Christ - Sister Mary
Peter
Reflections of an RSCJ - Helen
Rosenthal, RSCJ, Florida
Religious Life Rocks! - Sr. Katy,
Wisconsin
Renungan Dan Inspirasi Harian -
Reynaldo Fulgentio Tardelly, S.X., Indonesia
Running the Race of Life -
Jonathan St. Andre
The School Sisters of St. Francis
- Sr. Mary Michael and Sr. Maryana, Texas
Sister Christer - Sr. Christine Wilcox OP,
California
Sisters of the Gospel of Life -
Sr. Andrea & Sr. Roseann
Sisters of the Holy Family's Web
Log - Sisters of the Holy Family,
California
"So That in All Things...God May Be
Glorified" - Sr. Nicolette Etienne, OSB,
Indiana
A Space for Seeking and Deepening
- Sr. Margaret Kerry
Sub Tuum - Br. Stephen, O.Cist.,
Wisconsin
Subiaco Abbey - Monks of Subiaco,
Arkansas
The Story of a Vocation/La Historia de una
Vocación - Sr. Helga, Texas
Take with You Words - Sr.
Genevieve Glen, OSB and Edith, OSB
Theology of the Body - Sr. Anne,
Illinois
Under a Chindolea - Markel, SJ
& Mason Slidell
A Vow of Conversation - Macrina
Walker, OCSO, Netherlands
Within and Beyond - Dom Lawrence,
OSB, New Mexico
Witness Christ: Walking through Life with
God - Luuk Dominiek Jansen, OP, Ireland
1 Franciscan Way - 1 Franciscan
Way, Illinois 100%
Katolikong Pinoy- Kuya Francis
|
|
Post a Comment